Ang kwento ng buhay ko
Ako si Annabel C. Aranilla. Mahinhin ang ibig sabihin ng pangalan ko. Kung bakit 'Annabel' ang pangalan ko? Hindi ko rin alam. Matagal ko na ring tinatanong iyon sa nanay ko, ang sabi niya yun lang daw naisip niya. Maglalabing- pitong taong gulang sa May 1. 5’4 ang
height ko at 46 kilogram ang bigat.
Kung ilalarawan ako ng mga
kaibigan ko sa panlabas na anyo, ako daw ay matangkad at morena. Sabi ng isa kong kaibigan naman yung ngiti ko yung most striking physical feature at sa
tingin ko ang mata ko ang aking asset.
Hindi ako active sa sports
nor flexible. Madali akong mapagod, ayaw ko din ng napapagod ako or
napapawisan.
Pinaka- ayaw ko ang tumakbo
lalo na tuwing P.E time nung elementary. Pinakagusto ko sa lahat ng sports ay badminton, kahit hindi naman ako magaling dun at kahit rules hindi ko alam dun.
Naaalala ko nung grade 6
ako nagtry ako maglaro ng badminton with my friends, by the end of the game
kahit isang tama man lang ng shuttlecock sa badminton na hawak ko hindi tumama
o kaya palpak kaya pinagtatawanan ako ng mga kaibigan ko.
Pero kahit ganon
nae-enjoy ko pa rin ang paglalaro ng badminton kahit hindi ako marunong. Pero
ngayon marunong na ako kahit konti.
Nung grade 8 naman
nagkaroon ako ng pneumonia at typhoid fever. Pabalik- balik kami ng nanay ko sa
tayabas noon. Madami rin akong naiinom na gamot at tuwing may klase hiyang hiya
ako sa ubo ko dahil napakalakas, hindi ko naman maiiwasan at baka kung saan
lumabas.
Hindi ako kumakain
ng Gulay except sa carrots, malunggay, monggo at patatas kaya siguro madali
akong dapuan ng sakit.
Tanda ko pa nung
nag-camping kami sa silangang mayao. Grade 5 ako noon nang pinakain samin yung
ulam na chopseuy na puro gulay tapos ang lahok ay isang itlog na pugo.
Maiyak-iyak na ko sa pagkain, dahil bukod sa hindi ako kumakain ng Gulay, wala
pang lasa. Nagpapakaawa pa ako sa kaibigan ko non na siya na lang ang kumain
nang gulay. Hindi kasi naman pwedeng itapon yung gulay dahil pagagalitan kami
nung teacher kong mataray at pinaka-hate ko sa lahat noon, pero mabait naman siya.
Saming pamilya,
hindi kami sanay na nagsasabihan ng mga sweet words at hindi din kami ganun
ka-close tulad sa mga drama. Minsan nga hindi ko na nababati ng Happy father's
day ang tatay ko.
Nakatira ako sa Lucena, lumaki ako na may buo at simpleng
pamilya. Sa public school ako nag-aral mula elementary hanggang junior
high school. Hindi ako sumasali sa kahit anong contest sa school, kundi choir
lang. Nagtapos ako ng elementary at high school ng walang honor.
Hindi ako sociable na tao. Konti
lang ang mga kaibigan ko noong bata pa ako, sila yung mga lagi kong kasama.
Pinaka-ayaw kong subject ang math noon
kasi kapag naglalaban kami ng pinsan ko ng math lagi akong talo, kaya feeling
ko ang hina ko sa computation. English naman ang favorite dahil magaling ako sa
spelling, araw-araw kasi kami nag-iispelling noong elementary.
Pero ngayon nabaligtad na.
Pinaka-ayaw ko na ang English, kasi napagtanto ko na sa spelling lang pala ako
magaling, hindi sa panggagawa ng essay. Pinakagusto ko naman ang Math, kasi
ngayon nahihilig na ako sa mga challenges at na-realize ko na masaya pala
magcompute.
Pagkanta at pagguhit ang talent
ko. Ang pagkanta ko ay nadiscover ko lang noong high school. Samantalang ang
pagguhit ko naman ay simula elementary pa lang. Hobbies ko naman ang manuod ng
kdrama at kumain.
Sa aking palagay, sa pamilya
kumukuha ng lakas ng loob ang aking Ama at ang kahinaan niya ay rayuma. Gayundin sa aking Ina, ang kahinaan niya at kalakasan o ang nagbibigay sa kaniya ng lakas ng loob ay kami na kaniyang pamilya.
Kung ilalarawan ko ang aking childhood
memories, masasabi ko na ito ay punong-puno ng masasayang ala ala and siyempre hindi mawawalan ng malulungkot na memories.
Naalala ako noon, masayang masaya ako noon everytime na may nakikita akong mascot ng mga jollibee, Mcdo, etc. Pero kapag lalapit na
sila natatakot na ako, dahil feeling ko noon nangunguha sila ng bata tsaka akala ko
mga alien sila.
Wala akong first love, pero naaalala ko mayroon akong secret crush before sa kaklase ko na kaibigan ko din. Mabait kasi siya tapos siya lang ang ka-close ko na lalaki, para ko siyang kuya-kuyahan. Magkaibigan din ang ate namin, kaya niloloko ako ng ate ko kapag tapos na ang klase. Kaso lumipat din siya ng school kaya nalimutan ko na siya, kahit mukha niya hindi ko na tanda, kasi mga bata pa kami noon.
Wala akong first love, pero naaalala ko mayroon akong secret crush before sa kaklase ko na kaibigan ko din. Mabait kasi siya tapos siya lang ang ka-close ko na lalaki, para ko siyang kuya-kuyahan. Magkaibigan din ang ate namin, kaya niloloko ako ng ate ko kapag tapos na ang klase. Kaso lumipat din siya ng school kaya nalimutan ko na siya, kahit mukha niya hindi ko na tanda, kasi mga bata pa kami noon.
May mga itinuturing akong kaibigan
ngayon, sila ang lagi kong kasama. Sila ang Team SOS, si Glenn, Ronalyn,
Mariecon, Cj at Isabel. Siguro ang pinakang matindi kong kaaway ay demonyo, hindi naman ako mahilig makipag-away.
Para sa akin, ang politika ay
magulo, maraming buwaya at habambuhay na may pagtatalo at kung may babaguhin
ako sa mundo, yun ay ang pagtingin ng bawat tao sa kapwa nila, no more
discrimination.
Nakatira ako sa Mayao Crossing,
Lucena City. May bahay din kami sa Phase 2a sa St. Jude.
Simpleng bahay lang ang mayroon
kami. Yung isang bahay, may dalawang kwarto, isang banyo, isang kusina, at may
sala, mayroon din kaming tindahan. Yung pangalawang bahay ay tatlong palapag.
May dalawang banyo, tatlong kwarto, isang kitchen, may sala, at may terrace.
Minsan malinis an gaming bahay
lalo na kapag may okasyon at may darating na bisita. Pero kadalasan ay makalat.
Karamihan kasi mga bata ang naiiwan sa bahay kaya makalat.
Kung ilalarawan ko ang aming
kapitbahay, sila ay mababait at laging nakangiti kaso magsusugal. May mga
nagbibinggo at naglalaro ng baraha. Hindi din mawawala ang mga intregera at
tsismosa. May mga kapit bahay din akong nagamit ng drugs kaya minsan may
nakikita akong mga pulis na dumadaan sa lugar naming.
Naranasan ko na ding
makakita ng nagamit ng drugs, nag-aabutan at naghahabulan na pulis na may hawak
na kutsilyo at baril. Madalas ko makita ang ganoong eksena sa Central kung saan
maramin bentahan ng drugs.
Hindi ako taga-Central pero
ang kaibigan ko ang nakatira doon. Minsan nakakasalubong ko nalang mga lalaking
mapupula ang mata. Isang araw nga tinanong ko ang kaklase kong si Cheeney kung
natatakot siya sa lugar nila. Sabi niya sanay na daw sila.
Ang pinaka-favorite kong
area sa bahay ay ang aking kwarto, kasi kadalasan doon ako gumagawa ng mga
assignments dahil tahimik at walang istorbo. Doon din ako kadalasan na nanunuod
ng mga Kdrama gamit ang laptop.
Ang pinaka-ayaw ko naman ay ang
labas ng bahay namin. Kasi madami laging kalat sa part na yon at doon lagi
napunta ang mga napapagawing aso o kaya aso ng mga kapitbahay naming na
pakalat-kalat.
Ang pinaka-memorable violent na
nangyari samin ay noong nag-away ang kapatid ko at ang asawa niya dahil sa
katamaran ng kapatid ko at pagiging mataray ng asawa nya.
Natatandaan ko noon ng
dalhin ng asawa ng kapatid ko na si ate Jonabel ang gamit sa bahay nila, kasama
ang refrigerator, tv, atbp. Masyado
kasi siyang mukhang pera, and that is a fact. Hindi rin sya marunong
makisama kaya hindi na nakakapagtaka kung mag-awa si at maghiwalay.
Naghiwalay na sila ngayon.
Actually hindi pa sila kasal. Yung pamangkin ko na anak nilang dalawa ay
kasalukuyang nasa Aurora. Minsan nagpapadala na lang si kuya ng pera panggastos
o kaya bigas para sa pamangkin ko.
Ang isa naman sa pinaka-masaya kong ala-ala ay noong sabay-sabay kaming
nagbukas ng gifts at nagcelebrate ng baong taon. Yun nga lang may isa akong
kapatid na nasa Poland kaya hindi kami kumpleto.
Hindi ako katalinuhan kumbaga
average lang sa klase , pero yung imagination ko malawak.Kung ire rate ko
yung sarili ko interms of common sense siguro 8 out of 10.
Pagdating sa mga decisions,
minsan submissive ako pero minsan dominant din. Kapag nagtitiwala ako dun sa tao nagiging
submissive ako. Pero kapag hindi naman ako nagtitiwala nagiging dominant ako.
Pagkanta lang ang tangi kong
talent na pwede kong ipagmalaki so far. Hindi naman mataas ang boses ko na
pang-tawag ng tanghalan, pero unique sabi nila . Hilig ko ang gumuhit at magdesenyo
ng gown.
Ang pinakaayaw ko naman sa lahat
ay ang pagsayaw. Hindi naman sobrang tigas ng katawan ko, pero sa tingin ko
hindi talaga para sakin ang pagsasayaw. Kaya hindi ako mahilig sa party kasi
puro sayaw.
Ang biggest success in life so far
para sakin, yung natapos ko na yung junior highschool at yung makapunta akong
boracay kasi isa yun sa mga pangarap ko and finally natupad na yun.
Buwan ng marso yun nang dumating yung kapatid ko,
nagtratrabaho kasi siya sa manila pero may project sila sa boracay. Saktong
magbabakasyon kaya hiniling ko na isama niya ako, kaya pagbalik niya sa boracay
kasama niya na ko
Kaso pagpunta ko dun lagi lang
ako nasa kwarto. Tuwing weekend lang kami nagala kaya tuwing weekdays ay tamang
nasa kwarto lang ako o kaya office ni ate manel then pagkatapos ng ate ko, pag
may time pa siya napunta kaming dagat kasama si ate joy na ka-workmate ng ate
ko. Teacher siya dati pero sabi niya ayaw nya na daw magturo kasi na-iistress
na daw siya sa mga bata, mababa rin daw kasi ang sweldo.
Ang biggest failure in life ko so
far siguro ay nung nabudol-budol gang ako. Nagbabantay ako ng tindahan noon ng
bigas, kaso buong isang libo ang pera niya at wala akong panukli pa.
Sinabi ko sa kaniya na hindi ako
makakapagbenta ng bigas dahil wala akong panukli, di bale na lamang kung may
magbabantay ng tindahan namin para makakuha ako ng pera sa bahaypampanukli.
Pero nagpupumilit pa rin siya.
Sinabi niya sa akin noon na
babantayan daw muna niya ang tindahan, doon na ako naghinala. Kasi bakit niya
sasabihin yunay hindi ko naman siya kilala. Pero nagiging mabilis ang
pangyayari. Hindi ko namalayan na wala wala na palang pera sa tindahan namin
kundi mga barya na lamang.
Nung panahong iyon, feeling
ko wala akong kwenta, feeling ko na-disappoint ko na nanay ko dahil sa katangahan
ko. Matagal ding hindi ako lumabas ng bahay dahil sa hindi ko mawaring dahilan.
Ang ambisyon ko sa buhay ay
maging guro. Ang kapatid kong kasalukuyang engineer na ngayon ang nag-inspire
sakin na maging teacher noong bata pa ako. Ang biggest delusion ko ay ang
maging prinsesa ng bansang Englatera tulad ng nababasa ko sa mga wattpad or
e-book.
Ang pinaka ni natatakutan
ko sa lahat ay ang mawalan ng pamilya, madisappoint ang mga taong mahalaga sa
buhay ko. Ang tatlong bagay naman na ikinagagalit ko kapag ang mahahalagang tao
sa buhay ko ay binabastos, pinagmumukhang tanga at kapag sila ay
nagsisinungaling sakin.
May tatlo akong bagay na
pinahahalagahan. Si God, ang pamilya ko at ang mga kaibigan ko. Mapagbigay ako at medyo mababawa
ang kaligayahan lalo na kapag mga bakla ang kasama ko, pero mataray ako sa mga
lalaking hindi ko kilala lalo na kung ka-age ko. Since bata pa kasi ako, halos
wala akong mga kaibigan na lalaki kundi yun lang mga medyo baka ng konti. Pero
sa pagkaka-alam ko mga tunay na lalaki na sila ngayon. Minsan nga nababalitaan
ko na lang na nalaban na sila ng pageant.
Pag dating sa mga paniniwala sa
mga religion, naniniwala akong "God exist". At ang tatlong bagay na
kailanman ay hindi ko gagawin ay; Una, ang talikuran ang Diyos. Pangalawa,
talikuran ang pamilya at pangatlo ay ang magpakamatay, kasi naniniwala ako na
ito ay isang mortal sin.
Simple lang ang buhay ko. Ang
masasabi ko lang, masaya ako na nabigyan ako ng pagkakataon na ma-experience
ang mga bagay bagay sa mundo.