Mahal naming Pangulong Rodrigo Duterte,
Alam kong wala kayong sinasanto pagdating sa droga. Hindi ni'yo iniisip ang katungkulan ng taong sangkot o nasasangkot sa droga, mapa-mayor man, senador o kahit ano pa iyan.
Marami rami na rin ang namamatay dahil sa droga sa ilalim ng pamumuno ninyo, at halos lahat ng tao sa acting bansa at nangangamba at nababahala na sa mga sunod- sunod na pangyayari ng nagaganap.
Hanga ako sa tapang at lakas ng loob niyo na ipinapakita sa amin. Nakikita ko ang determinasyon na masugpo ang krimen at bigyan ng kapayapaan ang ating bansa.
Ako'y lubos na nagpapasalamat sa sapagkat, may nakikita akong pagbabago kahit papa ano. Lalo na sa pagsugpo ng krimen, partikular na sa usaping ‘war on drugs'. At isa pa, marami-rami rin akong kilala na ginagamit ng droga, ngunit simula ng inyong pamumuno at nagkakaroon sila ng takot at dahilan upang itigil ito. Sabi pa ng isa at nakakadala na raw ang ginagawa nila buhat sa kahihiyan na dinala nila sa sarili nila, pati na rin sa kanilang pamilya. Sa madaling salita, suko na sila. Ngunit ano kaya ang pangyayari kung ipatigil ang extra judicial killings o EJK? Maaring magsulputan muli ang drug addicts at drug pushers.
May mga taong namamatay dahil sa putok ng baril ng nga pulis. Ito ang mga drug addicts na nahuhuli sa tabi- tabi. Ngunit nangangamba kami na may nga taong inosente na nadadawit at nadadamay. May mga taong pinaghihinalaang sangkot sa droga na namamatay, namamatay dahil sa kawalan ng ebidensya.
May mga pulis ding mataas ang tingin sa sarili kaya't wala silang awang pumapatay.
Nais ko po sanang mabahala kayo sa mga pangyayari bilang isang simpleng mamamayan. Hangad ko rin po sana ang mabuti at maayos na pagdedesisyon sa bansa para sa ikabubuti ng lahat.
Nawa'y magkaroon kayo ng maayos na kalusugan upang pamunuan ang bansa.
Lubos na gumagalang,
Aranilla, Annabel C.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento