Huwebes, Marso 30, 2017

HUMSS



Kalamangan ng HUMSS


          Mahirap maging isang estudyante, alam ng lahat iyon. Ngunit para sa kinabukasan, titiisin ang pagod at puyat upang makamtam ang inaasam na pangarap.

          Ako si Annabel C. Aranilla, kasalukuyang nag-aaral sa Calayan Educational Foundation, Inc. Ako at nabibilang sa strand na HUMSS (Humanities and Social Sciences).

           Hindi ako magaling sa Math at wala akong balak maging Mathematician, kaya't sa tingin ko, hindi ako nabibilang sa STEM (Science Technology, Engineering Mathematics) at ABM (Accountancy and Business Management) kung saan ang mga tao at punong puno ng numerous sa utak.

          Hindi rin para sa akin ang ICT (Information, Communication Technology), GAS (General Academic Strand), atbp. Kaya't sa madaling salita, tanging sa HUMSS lang ako nababagay.

         Simula nang pinili ko ang strand na HUMSS, natuto akong maka-appreciate ng tungkol sa dining. Sapagkat, nakapaloob dito ang pagiging malikhain. Dito nababagay ang mga taong may- hilig sa Sining. Sabi  pa ng iba, ang HUMSS ay mga talentado at proud ako dun.

         Nahilig ako sa paggagawa ng tula at kwento kahit wala akong hilig noon sa pagsusulat o wala akong alam o ideya sa paggagawa noon.

          Ang strand na HUMSS ay para sa mga estudyanteng nais magturo, maging sikolohiya, at pulis. Kaya't sa tulad ko, ito ang pinili ko sapagkat nais kong maging guro.
          Maraming aktibidad ang nakapaloob dito kaya't nagiging mas interesado ako sa HUMSS kumpara sa ibang strand.
          Ang mga asignaturang nakapaloob dito ay ka-engga-engganyo sapagkat ito ay bukod sa karaniwang asignatura, naririto rin ang mga asignatura na para sa iyong kurso.


          Ang pagiging isang estudyante ay hindi biro, ngunit kung pipili ka ng naaayon sa iyong kagustuhan, madarama mo ang pagiging estudyante at hindi ang hirap na dinaranas ng karamihan na hindi pinipili ang para sa kanila.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento