Huwebes, Marso 30, 2017

Interview


Interview with Lisa Jaco

          Si Lisa Jaco, 18 years old ang aking natagpuan sa loob ng mall. Siya ang dati kong kamag-aaral na kasalukuyang nagtratrabaho kasabay ang pag-aaral.

         “So kamusta naman ang pagiging working student mo? Hindi ka ba nahihirapan? ”, taong ko.
“Okay lang, hindi naman tuwing weekends lang naman yun tsaka mabait ang ano ko, mag-asawa sila sa katunayan binibigyan nila ako ng gamit like kwintas, ganun, at balak sana bilang pumunta sa ibang bansa at isama ako pero hindi na ata yun matutuloy.”

         “Ang problema lang naman ay yung mga iba Kong kasamahan sa trabaho. Medyo iba kasi ugali”, dagdag pa niya ng tinanong kung ano ‘yung mga problema sa trabaho niya.
“Bakit kaba nagtratrabaho? Napilitan ka ba or gusto mo lang?”, taong kong muli.
“Gusto ko lang. Dati kasi tumigil ako ng pag-aaral, kaya naisipan kong magrmtrabaho muna. Ngayon ay nag-aaral ako sa LCNHS. Grade 10 na ako “

         “Yung mga sinasahod ko, para na lang daw sa pag-aaral ko sabi ng magulang ko, kasi naming magkakapatid ako na lang yung dalaga. Yung iba'y nag-asawa na. Itinatago ko na lang yung natitira sa sahod ko para pag may kailangan akong bilhin may mahuhugot”, ang sabi niya.

           "Masaya ka naman sa trabaho mo?”
“Enjoy lang, pero Hindi naman puro saya pag minsan nakakabasag ako ng gamut tapos may mga Loki lokong customer, nagtatanong ng number o kaya ‘Ms. Ano pangalan mo?’ ‘Ate pahinga ng number?’, mga ganung tanungan”.

          Sabi pa niya kung may pagkakataon daw na makapag-aral siya ng college ay hindi niya ito tatanggiha sapagkat yun daw yung way para makatulong siya sa pamilya niya, pero kung may problema financially ay mag-iipon na lang daw siya kasi naniniwala siya na kapag gusto may paraan, pag-ayaw maraming dahil an.


Hindi man siya biniyayaan o nang galing sa mayamang pamilya, gagawin daw niya ang lahat para maabot niya ang pangarap niya. Hindi naman daw maiiwasan ang love life pero mas priority niya ang pag-aaral at pamilya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento